Åsgrend
Sino ang nagpapanday sa Heggtveit?
Sa Åsgrend, may kuwento tungkol sa duwendeng si Fegge na may pandayan sa tabi ng burol sa bukid ng Heggtveit. Sa paghuhukay ng mga arkeologo sa itaas ng bakuran, nakakita sila ng hindi bababa sa tatlong pugong pinag-initan ng bakal. May bubong ang isa, at malamang na nasa labas ang dalawa. Ang husay palang magturo ng daan ng lumang kuwento.

Isang daang taon at isang bahay na puno ng paninda para sa tiangge
Nang mag-isang daang taon ang paaralan sa Åsgrend noong 2025, pinaghanap ng samahan ng nayon ang mga residente ng gamit sa kanilang mga atik at silong. Bago pa man ang araw ng koleksiyon, may mga donasyon na para sa tiangge. Ang nayon na ngayon ang nangangasiwa sa lumang paaralan. Puwedeng maghanda rito para sa kumpil o kaarawan.
Kung maliligo ka sa lawa, puwede mong sabihing papunta ka sa Nyork. Ayon sa alamat, may lalaking patungong Amerika na huminto sa Åsgrendbakkane. Nagustuhan niya ang lugar kaya rito na siya nanirahan at siya ang nagbigay ng pangalan dito.
Makakabili ng itlog at pulot sa Siloen, ang lumang tindahan ng nayon sa tabi ng E134. May kape sa ibaba at ukay-ukay sa itaas. Dala pa rin ng tindahan ang pangalan nito mula sa kuwadra kung saan ito nagsimula. Isang pagbisita sa Siloen