KviteseidKakilala para sa mga bagong lipat
Janneke
Lumipat si Janneke mula sa Netherlands patungong Norway noong 2012. Nagturo na siya sa dalawang bansa at masaya siyang makipagkuwentuhan sa mga pamilyang gustong malaman kung ano ang karaniwang araw sa paaralan dito.

Ano kaya ang pakiramdam ng isang batang bagong salta sa klaseng lahat ay nagsasalita ng Norwegian? Ano ang pamilyar sa kaniya mula sa dati niyang paaralan? Alam ni Janneke kung paano ang buhay sa klase dahil nagturo siya sa Netherlands at sa Norway. Naaalala rin niya kung paano siya mismo nag-adjust sa isang bagong bansa.
Pagkatapos ng trabaho, madalas ay nag-aalaga si Janneke ng mga halaman sa greenhouse, naghahardin o naglalakad sa kabundukan. Sa taglamig, gusto niyang magsuot ng ice skates at lumabas sa yelo.
Sa podcast nilang «Wonen in Noorwegen», nagkukuwento sina Janneke at Arie Bakker sa wikang Dutch tungkol sa pang-araw-araw na buhay sa Norway. Mapapakinggan ang mga episode sa kanilang website o sa podcast app mo.
“Kung may gusto kang itanong, huwag kang mahiyang makipag-ugnayan sa akin.”
